Oras ng operasyon ng mga mall, palalawigin ngayong holiday season

Share this information:

PUMAYAG na ang mga may-ari ng mga mall sa Metro Manila na palawigin ang oras ng pagbubukas nito sa papalapit na holiday season.

Ayon iyan kay MMDA Chairman Benhur Abalos bunsod na rin ng pagdami ng mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA na inaasahang magdudulot ng pagbibigat ng daloy ng trapiko.

Gayunman, sinabi ni Abalos na nababahala ang ilang mall operators sa pinaiiral na curfew at limitadong kapasidad sa mga pampublikong sasakyan.

Pero nabatid din kay Abalos na may resulta na ng botohan ng mga alkalde sa Metro Manila hinggil sa curfew at mailalabas ang resolusyon hinggil dito sa susunod na mga araw.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga oil companies, magpapatupad ng price adjustment sa produktong petrolyo

Mon Nov 1 , 2021
MAGPAPATUPAD ang kumpanyang Petron ng P3.10 na dagdag presyo sa kada kilo ng LPG o katumbas ng P34.10 sa bawat 11 kilogram na tangke nito simula mamayang alas 4:00 ng hapon ng Nobyembre 1. Ang mga presyo naman ng Auto LPG ay tataas din ng P1.73 sa kada litro sa […]
%d bloggers like this: