Mga pampublikong sasakyan, hindi na oobligahin maglagay ng plastic barrier

HINDI na oobligahin ang mga pampublikong sasakyan na gumamit ng plastic barrier o divider para paghiwalayin ang kanilang mga pasahero.

Ito ang ini-anunsiyo ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Mark Steven Pastor na paiiralin simula sa Nobyembre 4 ang pagbawi sa direktiba na ipinatupad noon bilang bahagi ng pag-iingat sa hawaan ng COVID-19.

Ayon kay Asec. Pastor, walang matatawag na medical findings na maiiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa paggamit ng plastic divider.

Sa halip, mas maaaring kumapit pa ang virus sa plastik, dagdag pa nito.

Ang nasabing hakbang ay kasabay din ng pagtataas na hanggang pitumpung porsyento ng kapasidad ng mga pasahero sa mga public utility vehicle o PUV.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.