Mga oil companies, magpapatupad ng price adjustment sa produktong petrolyo

Share this information:

MAGPAPATUPAD ang kumpanyang Petron ng P3.10 na dagdag presyo sa kada kilo ng LPG o katumbas ng P34.10 sa bawat 11 kilogram na tangke nito simula mamayang alas 4:00 ng hapon ng Nobyembre 1.

Ang mga presyo naman ng Auto LPG ay tataas din ng P1.73 sa kada litro sa pareho ding oras. 

Ang price adjustment ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang merkado para sa buwan ng Nobyembre.

Samantala, magpapatupad naman ng magkahalintulad na dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanyang Clean Fuel at SeaOil.

Sa abiso ng kumpanyang Clean Fuel, mayroon rollback o bawas na P0.35 sa kada litro ng diesel.

Dagdag naman na P01.15 sentimos sa kada litro ng gasolina ang ipapatupad nito, habang ang Seaoil lamang ang may rollback sa presyo na P0.30 sa kada litro ng kerosene.

Ang dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo ng Clean Fuel ay epektibo bukas, Martes, November 2, alas 4:01 ng hapon.

Ang Sea Oil price adjustment ay epektibo naman bukas ng alas-6 ng umaga.

Ang pagtaas sa presyo ng gas at diesel ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.