Opisina ng PRC sa PICC, pansamantalang isinara dahil sa COVID-19

Share this information:

Pansamantalang isasara sa publiko ang tanggapan ng PRB Secretariat Division (D-SPRB) ng Philippine Regulation Commission (PRC) sa Philippine International Convention Center sa  Pasay City hanggang sa Enero 22, 2021.

Ito ay matapos magpositibo ang apat na kawani nito  sa COVID-19.

Ayon sa PRC, magsasagawa ng disinfection sa nasabing tanggapan gayundin para sa  gagawing contact tracing sa  mga apektadong personnel at kliyente ng nasabing opisina.

Naka quaratine na ang mga kawani na nagpositibo sa COVID-19  maging ang mga na-expose sa mga positive cases  na naghihintay pa lamang ng kanilang RT-PCR test result.

Mahigpit namang ipinatutupad ng PRC ang kinakailangang mga health protocol alinsunod na rin sa direktiba at guidelines ng Department of Health upang maprotektahan ang mga kliyente at personnel.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Maynila, nagsagawa ng "simulation" sa pagbabakuna

Tue Jan 19 , 2021
Nagsagawa  ng simulation activity ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila  sa Unibersidad de Manila  bilang paghahanda sa gagawing vaccination para sa COVID-19. Ito ay upang ipakita  ang mga  posibleng mangyari kung magkakaroon na ng COVID-19 vaccination activity, gaano ang maaaring itagal ng proseso at iba pang scenario. Kailangan […]

Follow Us

%d bloggers like this: