Breaking News

Share this information:

Nagsagawa  ng simulation activity ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila  sa Unibersidad de Manila  bilang paghahanda sa gagawing vaccination para sa COVID-19.

Ito ay upang ipakita  ang mga  posibleng mangyari kung magkakaroon na ng COVID-19 vaccination activity, gaano ang maaaring itagal ng proseso at iba pang scenario.

Kailangan namang sundin ang limang hakbang para sa pagbabakuna.

Una o step 1, sumalang muna sa pagsusuri sa vital signs at body temperature check. 
Step 2 ay ihanda ang QR code o kopya ng waiver form kung pre-registered.
Step 3, hintayin ang tawag ng doktor sa screening area.
Step 4, pumunta sa vaccination area at ang panghuli o step 5  pagkatapos na mabakunahan ay maghintay sa holding area.

Kailangan itong gawin upang malaman kung may naging epekto ba o adverse effects sa tao matapos na mabakunahan (average ay 30 minuto).

Nagkaroon din ng isang scenario na hindi itinuloy ang pagbabakuna sa isang tao  dahil  may simtomas  ng lagnat, ubo at sipon.

Sinubukan naman ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang limang steps.

Layon aniya ng  simulation activity na masanay ang kanilang mga tauhan lalo kapag umarangkada na ang vaccination program ng pamahalaan.
Sinabi pa ng alkalde na  habang hinihintay ang mga bakuna ay aaralin pa ng Manila LGU ang mga kailangan upang maiwasan ang posibleng aberya sa vaccination activity.

Nauna nang sinabi ng alkalde  na may tiyak nang suplay ng COVID-19 vaccines para sa mga frontliner at mga residente ng Maynila, mula sa AstraZeneca.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: