Mga seafarers, isama sa priority list sa pagbabakuna

Nanawagan ang isang mambabatas sa Department of Health (DOH) na  isama ang mga seafarers  sa priority list ng gobyerno para sa COVID-19 vaccination program sa bansa.

Ayon kay MARINO Party-list first representative Sandro Gonzalez, kung may isang bagay na nangyari sa krisis sa pandaigdigan, ginampanan aniya ng Filipino seafarers ang malaking papel  sa paglaban sa masamang epekto ng COVID-19.

“In recognition of their critical role in maintaining the supply of needed medical supplies, food, and other basic necessities for our country’s COVID-19 crisis response, it is prudent that the government should put our seafarers on the priority list to be inoculated so they could continue performing their jobs,” ayon kay Gonzalez.

Ayon sa mambabatas, naghain na ng isang resolusyon  sa Kongreso upang matugunan ang bagay na ito.

Tiniyak din ng mambabatas na makakakuha  ang mga seafaers ng  bakuna sa sandaling magagamit na ito sa bansa.

Ito ay upang ipakita aniya sa mga Filipinong marino na pinahahalagahan
ang kanilang mga naiambag sa paglaban sa pandemic na dulot ng COVID-19. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.