Operasyon ng LRT-1, suspendido sa Nobyembre 28, 2021; Enero 23 at 30, 2022

Share this information:

INANUNSIYO ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na walang operasyon ang Light Rail Transit –Line 1 (LRT1) sa tatlong araw ng Linggo ngayong Nobyembre hanggang Enero 2022.

Ang pansamantalang suspensyon ng operasyon ng LRT-1 ay ipapatupad sa Nobyembre 28, 2021 at Enero 23 at 30, 2022.

Ito ay upang bigyang-daan ang test runs at trial runs ng bagong signaling system.

The signaling system is used to direct the railway traffic and ensure trains keep clear of each other,” ayon kay LRMC chief operating officer Enrico Benipayo.

Sinabi rin ng kumpanya na ang pag-upgrade sa Alstom signaling system ay kinakailangan para sa paggamit ng 4th Generation train sets sa kasalukuyang sistema.

Ang mga set ng tren ay nakatakdang gamitin simula sa kalagitnaan ng 2022.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.