Molnupiravir, nai-deliver na sa Maynila

Share this information:

NATANGGAP na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang 40,000 kapsula ng anti-COVID-19 drug na Molnupiravir.

Ang nasabing gamot para sa COVID-19 ay idineliber na sa Sta. Ana Hospital makatapos ang symbolic turnover na ginanap ngayong Martes ng umaga sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta.

Sinasabing 50 porsyentong nakagagamot ng COVID-19 ang Molnupiravir.

We should always be ahead of COVID infections. We were the first to purchase Remdesivir and Tocilizumab. And now this wonder drug Molnupiravir, tayo din ang naunang bumili. I will continue to listen to science,”pahayag ni Manila Mayor Francisco Domagoso na nanguna sa pagtanggap sa nasabing gamot.

Sinabi ni Domagoso na marami na ang matutulungan ng 40,000 piraso ng naturang anti-COVID drug.

Ang Molnupiravir (Molnarz) ay available na sa bansa matapos bigyan ng Compassionate Special Permit (CSP) ng Philippine Food and Drug Administration.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.