Debate sa ‘cha-cha’, tatapusin ng kamara ngayong 2021

TARGET ng liderato ng House of Representatives (HoR) na tapusin ang mga debate patungkol sa pag-amyenda ng Saligang Batas sa loob ng kasalukuyang taon.

Kasabay nito tiniyak ni Speaker Lord Allan Velasco na magiging transparent at patas ang pagtalakay sa pagbabago ng 1987 Constitution sa ilalim ng itinutulak na Resolution of Both Houses No. 2.

Kapag napagtibay na ng Kongreso ang Resolusyon, sinabi ni Velasco na ipiprisinta ito sa ratipikasyon ng publiko kasabay ng 2022 national elections.

Sa Enero 13 na bubuksan ng House Committee on Constitutional Amendments ang debate sa cha-cha.

Partikular na nais mapabago ay ang economic provisions ng Saligang Batas na nagiging sagabal umano sa Pilipinas para maging competitive o makasabay sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya.

Kabilang dito ang Sections 2, 3, 7, 10 at 11 of Article 12 (National Patrimony and Economy), Section 4 ng Article 14 (Education, Science and Technology, Arts, Culture and Sports) at Section 11 ng Article 16 (General Provisions) para maisingit ang katagang “unless otherwise provided by law.”

Sinabi ni Velasco na layon ng pagsisingit ng nasabing kataga na makalikha ang Kongreso ng mga batas na magbubukas sa mga dayuhang mamumuhunan ang ekonomiya ng Pilipinas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.