Pinag aaralan na ng Korte Suprema ang pagdaraos ng online bar examinations sa susunod na taong 2021.
Ayon kay Chief Justice Diosdado Peralta, ito ay dahil na rin sa may covid pandemic na kinakaharap ng bansa.
Pansamantalang ipinagpaliban ang 2020 examinations na gaganapin sana sa Nobyembre.
Bukod dito, magkakaroon na din ng tatlong sites na pagdadausan ng pagsusulit, kasama na ang Visayas at Mindanao upang hindi na luluwas sa Maynila ang mga bar examinees.