Bilang ng mga personnel sa NAIA na may COVID-19, lumobo

Lumobo na sa bilang na 138 ng mga empleyado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nagpositibo sa Covid-19.

Ito ang ipinahayag ni Manila International Airport Authority (MIAA) spokesman Connie Bungag, sa naturang bilang ay labinglima ang active cases makaraan makarekober o gumaling ang nasa 122, habang isa ang nasawi.

Karamihan sa mga empleyado ng MIAA na nagpositibo sa virus ay mula sa Airport Police Department (APD), Security and Emergency Services (SED), Intelligence and Investigation Division (IID), Intelligence Assessment Management Division (IAMD) at iba pa.

Nilinaw naman ni MIAA General Manager Ed Monreal na walang dapat ipangamba sa operasyon ng paliparan dahil maliit lamang na porsiyento ito mula sa kabuuang mahigit 4,000 mga kawani ng MIAA.

Giit ni Monreal, mahigpit nilang ipinapatupad at sinusunod ang health protocols sa labas at loob ng NAIA.

Ipinasara na rin ni Monreal ang mga designated smoking areas sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sumailalim na rin anya sa Swab test ang halos lahat ng mga kawani ng paliparan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.