Omicron variant, kailangan na mas masusi pang pag-aralan — DOH

Share this information:

SINABI ng Department of Health (DOH) na sa pangkalahatan, mayroon na umanong 50 mutations ang Omicron (B.1.1.529) variant.

Ayon sa DOH, 30 sa mga ito ay nasa mga spike region at posibleng ang Omicron variant ay maaaring magdulot ng mas mataas na transmissibility o pagkakahawa at immune evasion.

Ayon kay DOH-Epidemiology Bureau head Dr. Alethea de Guzman, kinakailangan pa ng masusing pag-aaral upang mas maintindihan ang transmissibility, infectivity at epekto ng naturang variant, at ang pagiging epektibo ng bakuna  laban sa naturang variant.

Sa kasalukuyan, ang Omicron variant ay kalat na sa 14 bansa kung saan ang pinakahuling naitalang kumpirmadong kaso ay mula sa Belgium na hindi bakunado at may travel history sa Egypt sa pamamagitan ng Turkey, mataas ang viral load at may flu-like symptoms.

Ang isa pang kaso ay mula sa Italy na fully vaccinated na at may travel history sa Mozambique.

Ang Omicron ay unang natukoy sa Botswana/Hongkong/South Africa at na-classify itong variant of concern. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Kumpulan, kuwentuhan, bawal sa polling precincts -- Comelec

Mon Nov 29 , 2021
MAHIGPIT na ipagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkukumpulan, chikahan, tsismisan o kwentuhan sa labas ng polling precinct at maging sa loob ng voting center. Ito ang pahayag ni Comelec Director Teopisto Elnas, na ang pagbabawal sa mga nasabing aktibidad ay bilang pag-iingat laban sa nagpapatuloy pa ring banta […]
%d bloggers like this: