Mula 10-15 na tao lamang ang papayagan sa loob ng polling precinct — Comelec

Share this information:

LILIMITAHAN sa 10 hanggang 15 tao lamang ang bilang ng mga papayagang botante na pumasok sa loob ng polling precinct sa itatakdang oras, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa isinagawang forum na inorganisa ng National Citizens Movement for Free Elections o Namfrel, ipinirisinta ni Comelec Director Tepisto Elnas Jr.  ang COVID-19 preventive measures na ipapatupad sa halalan sa susunod na taon.

Gayunman, ang nasabing bilang ay nakadepende pa rin sa laki ng polling precinct.

There are voting places natin na malaki and magva-vary ito, at least ang guidance is the minimum social distancing requirement mako-comply strictly within the classroom or polling place,” ani Elnas 

Sinabi ni Elnas na kailangan masunod ang minimum social distancing sa loob ng polling places bukod pa sa temperature checks na ipapatupad din sa entrance o bago pumasok ng presinto.

Samantala, tutulong naman ang miyembro ng kapulisan at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkontrol sa dami ng tao sa panahon ng eleksyon upang masiguro na nasusunod ang social distancing at pagsusuot ng face mask.

Inaasahan kasi na dadagsa ang mga botante sa mga polling precincts sa sandaling magsimula na ang pagbubukas ng botohan sa umaga kung saan sisimulan ito mula alas 6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.