Dating PH Ambassador na nahulicam na nagmamaltrato sa kasambahay, dismayado sa kanyang pagkakasibak sa kanya ni Pangulong Duterte

Share this information:

DISMAYADO si dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa desisyong sibakin siya sa posisyon dahil sa kasong pagmamaltrato sa kanyang kasambahay.

Sa kanyang pahayag, iginiit ni Mauro na hindi siya nabigyan ng due process at hindi rin nasunod ang rule of law sa kanyang kaso.

Binalewala aniya ng DFA Hearing Panel ang mga dokumentadong ebidensya na kanilang inihanda at isinumite patungkol sa insidente.

Minadali rin aniya ang kaso kaya’t hindi nabigyan ng pagkakataon na mabusisi ang mga mahahalagang ebidensya.

Sinabi pa ni Mauro na bagamat nauunawaan niyang gusto ni DFA Secretary Teodoro Locsin na ipakitang ipinagtatanggol nito ang karapatan ng mga kasambahay, hindi umano dapat nasakripisyo ang kanyang karapatang pantao sa due process.

Handa naman umano niyang tanggapin ang resulta ng pag-iimbestiga sa kanya kung dumaan lang sa tamang proseso ang lahat.

Kasabay nito ay nilinaw pa ni Mauro na pamilya ang turingan nila ng kanyang kasambahay at ang nag-viral na pisikal na pananakit nito ay aminado siyang maituturing na lapse in judgement dahil sa nakaka-stress na sitwasyon sa embahada sa gitna ng pandemya.

Pero hindi aniya ibig sabihin nito ay isa na syang malupit na tao.

Naniniwala pa si Mauro na mayruong pagkukulang ang DFA Hearing Panel na hindi hinawakan ng maayos ang kanyang kaso. Bunsod nito, hindi na makakakuha ng anumang benepisyo si Mauro at pinagbawalan na rin siya na makapasok sa anumang posisyon sa gobyerno.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

3-anyos na babaeng anak ng amo, ginahasa ng stay-in helper

Wed Mar 3 , 2021
ARESTADO ang isang binatilyo makaraang halayin nito ang 3-anyos na babae na anak ng kanyang amo sa garden ng kanilang bahay sa Barangay Tandang Sora, Quezon City. Bandang alas-2:30 ng madaling araw (March 2) ay dumulog sa Talipapa Police Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD), ang ina ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: