3-anyos na babaeng anak ng amo, ginahasa ng stay-in helper

Share this information:

ARESTADO ang isang binatilyo makaraang halayin nito ang 3-anyos na babae na anak ng kanyang amo sa garden ng kanilang bahay sa Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Bandang alas-2:30 ng madaling araw (March 2) ay dumulog sa Talipapa Police Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD), ang ina ng biktimang itinago sa pangalang “Wheng” upang ireport ang sinapit ng anak mula sa 19-taong gulang na suspek na nakilalang si Jose Malaa, stay in helper.

Agad namang naaresto ang suspek nang puntahan ang kanilang bahay kung saan inabutan itong nagbabalot na ng kanyang mga damit at takda na sanang tumakas.

Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Princess Relayo, ng Women’s Desk ng Police Station 3, nitong March 1, bandang alas-4 ng hapon, inutusan umano ng yaya ng biktima na nakilalang Judy Ann, ang suspek na ihatid ang bata sa kaniyang ina sa bahay nito.

Subalit dinala sa garden ng bahay ang bata at doon ay pinagsamantalahan.

Matapos ang panghahalay sa paslit ay muli itong ibinalik sa yaya ng biktima sa kanilang pinagtatrabahuhang canteen at sinabing wala umano ang ina nito sa kanilang tahanan.

Makalipas lamang ang ilang oras at napansin umano ng yaya na tila hirap umihi ang batang inaalagaan kaya sinabi niya ito sa ina ng biktima.

Dahil dito ay dinala ang bata sa Metro North Hospital at doon lamang na nadiskubreng ni-rape ito kaya agad na nagreport sa pulisya ang yaya at ina ng biktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Legal Affairs Division chief ng PRO3, sinibak dahil sa paggamit ng ilegal na droga

Wed Mar 3 , 2021
MISMONG si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas ang nag-alis sa pwesto sa hepe ng Legal Affairs Division sa Police Regional Office-3 (PRO3) matapos na mapag-alamang nagpositibo ito sa random drug test sa Central Luzon. Sa isang pahayag, sinabi ni Sinas na walang lugar sa PNP mapa pulis […]

Follow Us

%d bloggers like this: