Breaking News

Share this information:

MATAPOS ang halos apat na taon ng pagtatago sa batas, naaresto na ng mga awtoridad ang isang most wanted person dahil sa kasong murder sa Caloocan City.

Kinilala ni PLt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit -Northern Police District (DSOU-NPD) ang naarestong akusado na si Danilo Martinez alyas “JunJun,” 28 anyos, isang construction worker at residente ng 1070 Saint Domenic St. Barracks, Tala, Caloocan City.

Batay sa ulat na imbestigador ng DSOU na si PSSgt. Paul Colasito kay NPD Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU ng impormasyon mula sa NDIT RIU na nagtatago ang akusado sa Brgy. 185 North Caloocan.

Kaagad bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PLt. Melito Pabon saka nagsagawa ang operation, kasama ang NDIT-RIU-NCR na nagresulta sa pagkakaaresto kay Martinez dakong ala-1:40 ng hapon sa Santolan St. Brgy. 178 Camarin, North Caloocan.

Si Martinez ay inaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Leonardo Leonida, presiding Judge ng NCRJR Branch 232 Caloocan City para sa kasong Murder o paglabag sa Article 248 Revised Penal Code (RPC) at walang inirekomendang piyansa.

Ayon kay PLt. Pabon, nagsimula ang kaso matapos ang akusado at kanyang mga kasabwat ay pinagtulungan pagsasaksakin hanggang sa mamatay ang biktimang si Lexter Hiquiana, noong November 25, 2017 sa kahabaan ng Saint Dominic St., Barracks, Tala, Caloocan City at pagkatapos ay nagtago na si Martinez.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: