Breaking News

Share this information:

PINAG-AARALAN ngayon ng Employees’ Compensation Commission (ECC) ang posibilidad na maisama ang mga nagtatrabaho sa kanilang tahanan o yaong nasa ilalim ng “work-from-home” setup sa mga makakatanggap ng mga benepisyo sa COVID-19. 

Sa ngayon, ang mga pumapasok pa lang on-site ang mga maaaring tumanggap ng benepisyo kapag ito nagkasakit o naaksidente ng dahil sa trabaho o kung ito ay nagdulot ng kamatayan, ayon kay ECC Executive Director Stella Zipagan Banawis.

Inaaral po ito kung puwedeng maisama ‘yung COVID-19 na nakuha sa bahay as work-related. Inaaral pa ito pero right now, hindi pa siya kasama,” pahayag ni Banawis sa Laging Handa virtual briefing.

Nagbibigay ang ECC ng mga benepisyo sa mga empleyadong tinamaan ng COVID-19 habang nagtatrabaho. Ilan sa mga benepisyong matanggap ay ang income, medical reimbursement, death at funeral, at EC cash assistance. 

Ang mga kwalipikadong makatanggap ng benepisyo ay mga miyembro ng Social Security System (SSS) o ng Government Service Insurance System (GSIS), pati na rin ang mga voluntary member na mayroong mahigit isang buwang bayad.

Lahat ng self-employed ay covered under the EC program. Makakakuha ng EC benefits basta nakapagbayad ng kahit isang buwan lang,” sinabi ni Banawis.

Ang ECC ay isang programa ng gobyerno na naglalayong mabigyan ng benepisyo ang lahat ng mga manggagawa na nagkasakit, naaksidente nang dahil sa trabaho.

Sinisigurado ng ahensya na susuriin kung ang COVID-19 cases ba ay nakuha habang nasa trabaho sa pamamagitan ng pagtingin sa huling araw ng pagpasok sa trabaho, at kung kailan nakumpirmang positibo sa sakit ang manggagawa.

Sa ngayon, pumalo na sa 2,549,966 ang naitalang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: