Number One Most Wanted Person ng NPD, nasakote

Share this information:

Arestado ng pulisya ang Number One sa listahan ng Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) makalipas ang higit dalawang taong pagtatago dahil sa kasong murder sa Caloocan City.

Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) head PLt. Col. Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) P/BGen. Nelson Bondoc, kinilala ang naarestong suspek na si Benjamin Servano, 42 anyos.

Dakong 12:30 ng hapon nang madakip ang suspek ng pinalakas na intelligence-driven manhunt operation ng Northern Police District-District Intelligence Division (NPD DID), kasama ang team ng Regional Intelligence Unit-Intelligence Group, National Capital Region (RIU-IG-NCR), NPD-DID at District Mobile Force Battalion-Northern Police District (NPD-DMFB) sa pangunguna ni P/Major Amor Cerillo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Umipig sa kanyang bahay sa Block 6 Lot 36 Tawilis St. Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Rodolfo P. Azucena Jr. Presiding Judge ng RTC Branch 125 ng Caloocan City dahil sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

Si Servano ay itinuturing na number one most wanted ng NPD matapos mapatay nito si Edgardo Buco noong December 30, 2018 makaraang barilin niya ang biktima sa Kawal St. Brgy. 28, Caloocan City.

Ayon sa suspek, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila ng biktima at pinagbantaan umano siya nito na papatayin na naging dahilan upang inunahan niya itong patayin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.