Kelot, todas sa suntok ng kapitbahay

Share this information:

Patay ang isang 42-anyos na lalaki matapos bumagsak sa tulay na kahoy habang nakikipagsuntukan sa kanyang kapitbahay makaraan ang pagtatalo sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Ruel Asignado, 42 anyos, ng 38 C. Arellano St. Brgy. San Agustin, habang naaresto naman ng mga rumespondeng tauhan ng Sub-Station 6 ang suspek na kinilalang si Richard Dagumo, 36 anyos, isang helper.

Sa imbestigasyon nina P/SMSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, naglalakad pauwi ang biktima dakong 7:50 ng gabi nang aksidente nitong mabangga ang kahoy na dingding ng bahay ng suspek.

Kinompronta ng suspek ang biktima na naging dahilan ng kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa mauwi ang mga ito sa suntukan.

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Ruminda Ibasate, 37 anyos, nahulog sa improvised na tulay na kahoy ang biktima makaraang masapul ng suntok ng suspek.

Iprinisinta ang suspek sa inquest proceedings para sa kasong homicide sa Malabon City Prosecutor’s Office.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Number One Most Wanted Person ng NPD, nasakote

Tue Feb 9 , 2021
Arestado ng pulisya ang Number One sa listahan ng Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) makalipas ang higit dalawang taong pagtatago dahil sa kasong murder sa Caloocan City. Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) head PLt. Col. Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) P/BGen. Nelson […]

Follow Us

%d bloggers like this: