2 pinoy patay sa pagsabog sa restaurant sa Abu Dhabi

KINUMPIRMA ng embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) ang pagkamatay ng dalawang Oversees Filipino Workers (OFW) sa pagsabog sa isang restaurant nuong Lunes.

Patuloy nang nakikipag-ugnayan si Philippine Ambassador to UAE Jayceelyn Quintana sa mga kaanak ng dalawang nasawing OFW para sa magpa-abot ng tulong.

Inaalam pa ng embahada ng bansa kung ilan ang napaulat na nasugatan din sa insidente.

Una ng ipinaalala ni Quintana sa mga Filipino sa UAE na patuloy na mag-ingat at sumunod sa protocols ng host government.

Batay sa report ng UAE authorities, naganap ang gas explosion bandang 10:00 ng umaga sa isang restaurant sa Sheikh Rashid Bin Seed Road (Airport Road).

Isa sa mga namatay ay malapit sa restaurant, samantalang ang isa naman biktima ay tinamaan ng debris dahil sa pagsabog.

(photo above credited to The National)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.