“No age restriction” policy ng DOT sa mga parke para sa Family Day, ok kay Yorme Isko

Share this information:

Suportado ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang suhestyon ng Department of Tourism (DOT) na buksan ang parke sa Maynila sa lahat ng edad, isang beses sa isang linggo para sa “Family Day.”

Sa naging panayam ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa  DZMM, sinabi ng alkalde na suportado nito ang domestic tourism lalo sa panahon ngayon.

“Of course, we want to support [domestic] tourism, lalo na ngayon. At least kahit papaano may madudulot na negosyo at trabaho ‘yan. If there is an open space, an alternative for the people to go to, we’ll support it,” pahayag ni Domagoso.

Una nang binuksan ang mga pasyalan sa Intramuros tulad ng Fort Santiago, Casa Manila Museum, at Baluarte de San Diego noong February 17, sa mga bisita na may edad 15 hanggang 65 taong gulang.

Gayunman, plano na rin ni DOT chief Bernadette Romulo-Puyat na buksan na ang mga parke  sa lahat ng edad sa ilalim ng “no age restriction policy.”.

Paliwanag ng kalihim, mungkahi nito ang kahit na isang araw na exemptiom para sa pamilya kabilang ang mga senior citizen.

“Kasi ang turismo ay para sa pamilya, hindi lang for mga 15 to 65 years old,” saad ng kalihim.

“Let me take this opportunity na hikayatin ang ating mga kababayan na pumasyal kayo sa Intramuros. Kapag napasyal ka sa Intramuros noon kabahan ka, ngayon mas maaliwalas na. Malapit na rin mabuksan ang Metropolitan Theater sa April.” ayon naman sa alkalde.

Sinabi ng alkalde na suportado niya ang naturang hakbangin  upang unti-unti nang mabuksan ang pampublikong espasyo dahil makakatulong ito upang palakasin ang ekonomiya ng lungsod.

Matatandaang hanggang ngayon ay nasa ilalim pa din ng General Community Quarantine (GCQ) ang quarantine status ng Metro Manila.

Sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF), hindi pa rin pinapayagan ang mga batang 15-taong gulang pababa, gayundin ang mga matatandaang edad 66 pataas, na lumabas ng mga tahanan, dahil itinuturing silang vulnerable sa COVID-19.

Maliban na lamang kung kinakailangan nilang bumili ng essential goods at mag-avail ng importanteng serbisyo, gaya nang pagpapadoktor.

(With report by Jonah Aure)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Duterte personally receiving 600K Sinovac vaccines on Sunday

Fri Feb 26 , 2021
EXPECT President Rodrigo Durterte to be at the Villamor Air Base leading the pack of a welcoming committee on Sunday to personally receive the 600,000 doses of Sinovac’s  COVID-19 vaccines. According to Duterte’s long-time aide, now Senator Christopher “Bong” Go, he would be joining the Malacañang chief executive and other […]

Follow Us

%d bloggers like this: