Breaking News

Share this information:

NAGTAPOS na ang pagtatago ng isang indibidwal na listed No. 2 Most Wanted Person (MWP) ng Malabon City matapos itong masakote ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Baras, Rizal.

Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) head Police Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Gian Carlo Padua, 31 anyos, ng Barangay Potrero, Malabon City.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Dimaandal kay NPD Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr., nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ang suspek sa isang lugar sa Baras, Rizal na naging dahilan upang agad bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni Police Lt. Melito Pabon.

Kasama ang NDIT-RIU NCR, RID-NCR, DID-NPD, HPG-NPD at mga tauhan ng Baras Police Station, agad tinungo ng mga ito ang pinagtataguan ng akusado sa Southville 9, Pinugay, Baras, Rizal na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-10:30 ng gabi.

Ayon kay PLt. Col. Dimaandal, si Padua na isa ring Department of the Interior and Local Government (DILG) MWP with Reward at miyembro din ng notoryus na “Limos Carnapping Crime Group” ay inaresto sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Hon. Josien Rodel, Presiding Judge ng RTC Branch 293 ng Malabon City para sa kasong paglabag sa RA 10833 (The New Anti Carnapping Law of 2018) kung saan walang inirekomendang piyansa, at paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code (RPC) para sa kasong Theft na inisyu ni Hon. Ma. Ofelia Salgado Contreras-Soriano ng MTC Branch 55.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: