NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order 139 Series of 2021 kung saan pinapayagan nang magbukas ang mga palengke, grocery store, at talipapa.
Ang mga establisimiyentong ito ay papayagan na magbukas araw-araw sa bayan ng Navotas, maliban tuwing Lunes mula ala-una hanggang alas-3 ng hapon kung saan magsasagawa ng disinfection.
“Our COVID cases are decreasing that’s why we are easing some restrictions. However, we need to continue to be careful especially now that our country has confirmed cases of the Delta variant,” ani Tiangco.
“While we shortened the disinfection hours, we expect operators and vendees to follow and enforce public health protocols, and conduct daily disinfection,” dagdag niya.
Nagbabala naman si Tiangco na ang kabiguang magsagawa ng mga aktibidad sa paglilinis sa tinukoy na iskedyul ay maaaring humantong sa muling pagpapataw ng araw ng disinfection.
“We need to be vigilant lest we risk losing the gains we have achieved in our fight against COVID-19,” sabi ng alkalde.
Hanggang June 28, ang Navotas ay nakapagtala ng 11,013 cases, 48 ang active, 371 ang namatay, at 10,594 ang mga gumaling.