NLEX binigyan ng ultimatum ng Valenzuela LGU sa problema sa RFID system

Mayruon na lamang hanggang alas-singko ng hapon bukas ang North Luzon Expressway (NLEX) upang magbigay ng paliwanag kung bakit hindi dapat masuspindi ang kanilang business permit.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, sa oras na ito magtatapos ang 72-oras na palugit na kanilang ibinigay sa NLEX para tumugon sa kanila.

Handa na aniya silang ipatupad ang suspensyon ng business permit ng NLEX dahil hindi katanggap-tanggap ang hinihinging palugit na 15 araw upang ayusin ang problema sa RFID system nito.

Una nang inirereklamo ng mga taga-Valenzuela City at kalapit-lugar ang mabigat na daloy ng trapiko na idinudulot ng cashless system ng NLEX na ayon kay Gatchalian, hindi na kayang tiisin ng mga apektadong residente at motorista sa kanilang lungsod.

Sakaling masuspindi ang business permit, sinabi ni Gatchalian na kailangan pa ring padaanin ng NLEX ang mga motorista ngunit hindi sila puwedeng maningil ng toll.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.