Negosyanteng Intsik, pinagnakawan, pinatay

Share this information:

Natagpuang patay sa loob ng kanyang tindahan ang isang negosyanteng Intsik kahapon ng madaling araw sa New Market, Brgy. Cuta, Batangas City.

Nakilala ang biktimang si Chen Ling Ling, 34 anyos, isang Chinese national at negosyante.

Bandang alas 5 ng madaling araw kahapon nang matagpuan ng helper na si Roldan Logronio Yuga na wala nang buhay at nakahandusay sa sahig sa tabi ng kanyang kaha ng pera ang kanyang among si Ling. May mga tama ito ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Pagnanakaw ang tinitingnang pangunahing motibo ng mga kawatan, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis.

Pinag-aaralan na din ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV sa lugar upang makita o makilala ang mga salarin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dalawang bangkay, natagpuan sa Quezon

Tue Mar 2 , 2021
Dalawang bangkay na hinihinalang itinapon ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Quezon kahapon. Tama ng baril sa kaliwang bahagi ng katawan ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ni Rommel Flavier Lagadia matapos itong matagpuan ng pinsan na si Alexander Lagadia sa mabundok na bahagi ng Brgy. Sta. Rosa, […]

Follow Us

%d bloggers like this: