NBI, naghain ng apat na kaso laban sa opisyal ng BIR sa Zamboanga City

Share this information:

NASA kabuuang apat na kaso ang inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Zamboanga City.

Kinasuhan si Revenue Officer IV Flora Albao ng BIR Revenue District Office-93A (RDO-93A) ng Zamboanga City ng paglabag sa Article 294 ng Revised Penal Code; Tax Reform Act of 1997; Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Code of Conduct and Ethical Standards for Public Offices and Employees.

.Ayon kay NBI Regional Director Moises Tamayo, si Albao ay nasa pansamantalang kustodiya ngayon ng NBI matapos itong maaresto sa isang entrapment operation noong Biyernes sa tanggapan ng RDO-15 sa Barangay Zone 4.

The entrapment operation was launched after a businesswoman filed a complaint of harassment (against the suspect),”sabi ni Tamayo sa isang interview.

Sinabi ni Tamayo na nakatanggap ang negosyanteng babae ng notice na nagsasaad na mayroon siyang P30.7 milyon na tax liabilities at binigyan ng limang araw para mag-ulat sa RDO-93A.

Nagtungo sa opisina ng BIR ang negosyante at inutusang magsumite ng mga kaukulang dokumento para mabawasan ang kanyang buwis.

Inalok din umano ni Albao ang negosyante na mababawasan ang kanyang tax liabilities kapag nagbayad ito ng P1 milyong  “SOP” o standard operating procedure.

Sa takot ng negosyante nagbigay ito ng pera ngunit P500,000 lamang ang kaya niyang maibigay kay Albao.

She (businesswoman) was given a grace period to pay the remaining amount of P500,000 but the complainant, upon sensing she is being extorted, decided to report to our office,” sabi ni Tamayo.

Ayon kay Tamayo, ang suspek ay nahuli “in flagrante delicto” o sa aktong paggawa ng maling gawain sa pagsasagawa ng operasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.