NASA kabuuang halos isang libong kaso ng vote-buying kaugnay ng pagsasagawa ng pambansa at lokal na halalan noong Mayo 9, 2022 ang iniimbestigahan ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ayon kay Comelec Commissioner George Garcia.
Ibinunyag ni Garcia sa isang panayam na naglabas na ng subpoena ang Comelec na nag-uutos sa mga taong sangkot na ipaliwanag ang mga claim sa pagbili ng boto.
Ang mga kaso naman ng disqualification laban sa ilang mga kandidato para sa parehong mga kadahilanan ay nakahanda na rin para sa isang resolusyon pagkatapos nilang magbigay ng mga sagot.
Mayroon halos 1,000 kaso ng vote buying na iniimbestigahan at mayroong ilang mga subpoena na ang inilabas, na kinakailangan ng mga respondent na magpaliwanag, ayon pa kay Garcia
“In the case of disqualification cases involving practically the same fraud and irregularities, the cases are now submitted for resolution after the respondents required to file their answer,” dagdag niya.
Sinabi naman ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na ang Comelec Task Force Kontra Bigay nitong May 30 ay nakatanggap ng halos 1,100 ulat ng vote buying, 940 rito ay ipinadala sa pamamagitan ng Kontra Bigay Facebook page, habang 171 ang mula sa Kontra Bigay official email.
Mula sa 171 na mga email, sinabi ng Comelec na 88 ay itinuturing na valid report at opisyal na itinala. Sa 88 recorded report, 49 lamang ang naisumite na may supporting evidence.
Mayroong 210 concerned citizen na hinimok ng poll body na maghain ng kanilang affidavit, kasama ang kanilang ebidensya, para sa posibleng motu proprio case laban sa mga taong sangkot sa vote buying.
Gayunpaman, sa 210 indibidwal na ito, tatlo lamang ang handang ituloy ang kanilang mga reklamo, ipinunto ng Comelec.
Lumabas din sa ulat na 105 sa mga reklamo sa pagbili ng boto ay inihain sa Comelec Law Department. Sa bilang na ito, 83 na ang naaksyunan.
Nag-docket din ang Comelec Law Department ng 12 beripikadong reklamo – 11 dito ay inendorso sa field office ng Comelec para sa pagsasagawa ng preliminary investigation, habang ang isa pang kaso ay isinampa na ngayon sa Law Department para sa preliminary investigation.
Sa ilalim ng Seksyon 14 ng Republic Act 7166, ang bawat kandidato at ingat-yaman ng partidong pampulitika ay dapat, sa loob ng 30 araw pagkatapos ng araw ng halalan, ay maghain ng duplicate sa mga tanggapan ng Komisyon ng buo, totoo at naka-itemize na pahayag ng lahat ng mga kontribusyon at paggasta o Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) kaugnay ng halalan.
Ipinagbabawal din ng batas ang isang nahalal na kandidato na pumasok sa mga tungkulin ng kanyang opisina hanggang sa maihain niya ang SOCE.
Ang parehong pagbabawal ay sumasaklaw din sa mga partidong pampulitika na nominado ng nanalong kandidato.