NBI, magsasagawa ng “parallel investigation” ukol sa “misencounter”

Share this information:

Magsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyari umanong “misencounter” sa pagitan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth, Quezon City kahapon.

Kasunod ito ng kautusan ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra na magsagawa ng  “parallel investigation”  ang NBI tungkol sa naganap na engkwentro na nagresulta ng pagkamatay ng dalawang pulis at isang PDEA agent.

Layon umano ng imbestigasyon na matukoy  ang tunay na nangyari, lalo’t nagdulot ng kalituhan at mga katanungan ang engkwentro.

Nilinaw naman ng kalihim na ang imbestigasyon ng NBI ay hiwalay pa sa pagsisiyasat na gagawin ng ad hoc joint PNP-PDEA Board of Inquiry, na naunang inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas.

Sa  pahayag ng PDEA, lehitimo ang operasyon ng kanilang mga ahente at katunayan ay may dokumento  ng koordinasyon na nagpapatunay na magsasagawa ng operasyon sa Commonwealth.

Sa panig naman ng mga pulis, ang QCPD-District Special Operations Unit ay mayroong buy-bust operations sa lugar ngunit mga taga-PDEA raw pala ang kanilang naka-transaksyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Imbestigasyon, panawagan ng grupo sa pagpapaturok ni Tulfo, iba pang opisyal

Thu Feb 25 , 2021
Kasunod ng tahasang pag-amin ni Special Envoy to China Ramon Tulfo na naturukan na ng Covid-19 Sinopharm vaccine kasama ang iba pang opisyal, ang Coalition for People’s Right to Health o CPRH ngayon ay nananawagan ng masusing imbestigasyon. Ayon sa CPRH, dapat magkaroon ng patas na imbestigasyon ang Food and […]

Follow Us

%d bloggers like this: