Isa pang dating pulis-Maynila, dinukot

Share this information:

Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagdukot umano ng mga armadong kalalakihan sa isa na namang suspendidong pulis Maynila  sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Real Lopez Tesoro, 41 anyos, na huling nakatalaga sa MPD Station 7 Tayuman Police Community Precinct (PCP), at residente sa Alley St. Brgy. 601, Sta. Mesa, Manila.

Nangyari umano ang pagdukot alas 10:05 ng umaga sa V. Mapa Extension sakop ng Brgy. 601 Sta Mesa, Maynila habang naglalakad si Tesoro.

Ayon sa reklamo ni Mary Ann Gervacio, 31 anyos, live in partner ni Tesoro, na sapilitang tinangay ng mga armadong lalaki ang kanyang asawa.

Sa ulat, sakay ang mga suspek ng dalawang SUV na kulay black, walang plate number, na may apat na sakay na armadong mga lalaki at isang babae.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo ng pagdukot at pagkakilanlan ng mga suspek.

Nang tanungin naman si MPD Director Brig. General  Leo Francisco,  si Tesoro ay naka-assign na sa NCRPO.

“Sa NCRPO siya naka-assign, sa Sta. Mesa lang dinukot. Info pa lang …pinapa verify ko pa lang” ayon kay Francisco.

Matatandaan na una nang dinukot sa Binondo si PCpl. Allan Hilario ng higit sa limang kalalakihan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

NBI, magsasagawa ng "parallel investigation" ukol sa "misencounter"

Thu Feb 25 , 2021
Magsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyari umanong “misencounter” sa pagitan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth, Quezon City kahapon. Kasunod ito ng kautusan ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo […]

Follow Us

%d bloggers like this: