Breaking News

Share this information:

“it was  more than worth it, we have interesting leads, we have encouraging results.” 

Ito ang naging pahayag  ni National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Atty. Ferdinand Lavin  kaugnay sa ginawang autopsy ng labi ni Cristine Decera sa General Santos City bagama’t nakumpromiso aniya ang bangkay nito dahil ang mga organs nito ay kontaminado na dahil sa ginawang pag-embalsamo.

Sinabi ni Lavin na hindi pa maaaring ibunyag ang resulta dahil ito ay nasa ilalim pa ng laboratory processes at examination.

Hindi naman lumutang sa NBI-Death Investigation Division ang mga respondents at kanilang abogado lamang ang dumating. Nangako naman daw ang mga abogadong dumating ng kanilang kooperasyon sa isinasagawang imbestigasyon ng NBI.

Sinabi rin ni Lavin na ang mga indibidwal na nasa room 2207 at 2009 na kasama na sa iniimbestigahan ng NBI ay kilala na ngunit  hindi muna ibinunyag ang pangalan ng mga ito ayon kay Lavin dahil kailangan aniyang protektahan ang nasabing mga indibidwal  para sa pakikipagtulungan na rin nila sa ahensya.

Dagdag pa nito na ang ginawang pagsusuri sa autopsy  sa labi ni Decera ay tinitingnan aniya kung  kayang malaman kung ito na  may presensya ng alcohol o level ng alcohol, presence of illegal drug ngunit ang level ng ilegal na droga, aniya ay “doubtful.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: