Lima, tiklo sa Malabon at Navotas buy bust

Share this information:

Arestado ang limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makumpiskahan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.

Dakong 6:10 ng umaga nang maaresto ng mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Angela Rejano sa buy-bust operation sa Dalagang Bukid St. Brgy. Longos, Malabon City sina Albert Valdez, 41, at Freddie De Vera, 23.

Nakumpiska sa kanila ang nasa 13 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P88,400 ang halaga at P500 marked money.

Ayon naman kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, bandang 2:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Navotas SDEU sa pangunguna ni PLt. Genere Sanchez sa Kapalaran 3 St., Brgy. Daanghari, Navotas city.

Nang iabot ng isang operatiba na nagpanggap na buyer ang P500 marked money sa kanilang target na si Rafael Datol, 44, kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga pulis, kasama si Ryan Esquillo, 42, at Jaime Discipolo, 57.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 33 gramo ng hinihinalang shabu na tinayatang nasa P224,400.00 ang halaga, buy-bust money at P500 cash.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Lalaki, itinumba sa Malabon, patay

Mon Jan 11 , 2021
Bumulagtang duguan at wala nang buhay ang katawan ng isang lalaki matapos pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Malabon City kamakailan. “Dead on the spot” sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Sonny Boy Pardillo, 39 anyos, ng Phase […]

Follow Us

%d bloggers like this: