Navotas, nadagdagan ang hanay ng skilled workers

NADAGDAGAN pa muli ang bagong batch ng skilled workers sa Navotas City kasunod ng virtual graduation ng 138 Navoteños mula sa Navotas Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

Sa NAVOTAAS Institute Annex 1, 46 ang nakakumpleto ng Japanese Language at Culture habang 11 naman ang nakatapos ng Basic Korean Language at Culture.

May lima ding nakapagtapos sa Beauty Care NC II, apat para sa Hairdressing NC II; 10 sa Dressmaking NC II, pito sa Tailoring NC II, at 12 para sa Bread and Pastry Production NC II.

Samantala, sa NAVOTAAS Institute Annex 2, 15 trainees ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa Housekeeping, at 28 naman ang nakapagtapos ng Basic Visual Graphics and Design.

Binati ni Mayor Toby Tiangco ang mga nagsipagtapos at pinuri sila dahil sa paggamit ng kanilang oras sa pagsasanay at makakuha ng bagong kasanayan.

I commend all our tech-voc graduates for choosing to be productive even while we are under community quarantine. Our current situation should not hinder us from learning new things and striving to improve ourselves,” pagbati ni Mayor Tiangco.

Maaaring magsimula ang mga nagsipagtapos ng negosyo o dalawin ang  NavotaAs Hanapbuhay Center para sa hanapbuhay na puwede na nilang pasukan,” dagdag pa ng alkalde.

Sinabi naman ni Cong. John Rey Tiangco na ang lungsod ay nagtatag ng training centers upang bigyan ng pagkakataon ang mga Navoteño na matuto ng mga bagong pamamaraan at iba’t-ibang uri ng skills na makatutulong sa kanilang paghahanapbuhay at pamumuhay.

Ang Navotas ay may apat na training centers na bukas para sa mga Navoteño at hindi Navoteño trainees habang ang mga residente ay maaaring mag-aral ng libre sa nabanggit na training institute at ang mga hindi naman residente ng lungsod ay sasailalim sa assessment exams ng libre depende sa kursong kukunin nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.