Lima, arestado sa P114k shabu sa Malabon

SWAK sa kulungan ang limang hinihinalang drug personalities kabilang ang tatlong babae matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Herly Padolina alyas “Negy,” 41 anyos, Erica Peñalosa alyas “Tapeng,” 31 anyos, Hasmen Eredia alyas “Jhazz,” 36 anyos, Mark Ronillo Marcaba alyas “Epoy,” 40 anyos, at Gilbert Habana alyas “Dodong,” 34 anyos.

Ayon kay Col. Barot, dakong ala-1:25 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Alexander Dela Cuz ng buy-bust operation sa Pampano St., Brgy. Longos.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon kay Padolina at Peñalosa ng P500 halaga ng shabu.

Matapos magkaabutan ng droga at marked money mula sa poseur-buyer ay agad inaresto ng mga operatiba si Padolina at Peñalosa, kasama ang tatlong iba pang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 16.8 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P114,240 at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.