NAKAPAGTALA ng average inflation rate ang bansa na 4.5 sa nakalipas na Disyembre 2021.
Ayon ito kay Usec. Dennis Mapa ng Philippine Statistics Authority (PSA), kung saan sinabi nitong malaking kontributor ay ang presyo ng karne (11.3), petrolyo (29.4) at isda (7.0).
Pagdating naman sa food and non-alcoholic beverage may inflation rate na 3.1 sa buwan ng Disyembre mula sa 3.9 inflation rate, sa gulay na tulad ng repolyo, 10.0, isda 7.0 at bigas na may 0.9
Sa tranportasyon, nasa 6.1 naman ang inflation rate mula sa 8.8 noong Nobyembre, nasa 29.4 percent na inflation rate mula sa 42.1 para sa petrolyo, jeepney fare na-0.2 at tricycle fare na 1.7.
Sa mga major commodity groups, sa housing, water, electricity, gas at other fuels ay nasa 5.0, communication sa 0.3 habang sa edukasyon ay nanatili sa 0.7.
Ang inflation rate naman sa National Capital Region (NCR) ay nasa 3.2 habang sa labas ng NCR ay 3.7.
Ang naitalang pinakamataas ang inflation rate sa labas ng Metro Manila ay sa Zamboanga Peninsula na nasa 6.1 at Davao region na may 6.1
Ang pinaka-mababa na inflation rate sa labas ng NCR ay sa Bangsamoro Autonomous Regions in Muslim Mindanao na may 2.1
Ang may mataas na infaltion rate naman sa labas ng NCR ay sa Region 7, 4, 6, at 9 na nasa 6.1 at sa CARAGA na may 4.4.

