SIMULA sa darating na Disyembre 2021, makakapag-isyu na ng mga driver’s license na may 10-year validity ang lahat ng licensing offices ng Land Transportation Office o LTO sa buong bansa.
Mismong si Pang. Rodrigo Duterte ang nag-anunsyo nito sa kanyang “Talk to the People” kagabi, na ngayong umaga ipinalabas.
Sinabi ng presidente na ito ay commitment ng LTO.
Aniya, noong Oktubre 28 ay sinimulan na ng LTO licensing office sa East Avenue sa Quezon City ang pag-iisyu ng mga lisensya na may sampung taong validity.
Habang sa Nobyembre 21 naman, ang iba pang LTO offices sa National Capital Region o NCR ay mag-iisyu na rin ng mga driver’s license na may 10-year validity.