100 pampublikong paaralan na kasama sa pilot run ng limited face-to-face classes, nabuo na

SINABI ng Department of Education (DepED) na nabuo na nito ang 100 pampublikong paaralan na makakasama sa pilot run ng limitadong face-to-face classes.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na “all set” o handang-handa na ang kagawaran para sa pilot test ng limited face-to-face classes sa darating na Nobyembre 15.

Gaya ng napag-usapan at base na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Briones na mag-uumpisa ang pilot run sa 100 pampublikong paaralan, 20 pribadong eskwelahan at iilang mga international schools na may sariling patakaran.

Ayon kay Briones, nabuo na nga ang 100 public schools na lalahok dito, habang binubuo pa ang 20 pribadong eskwelahan.

Sinabi ni Briones na may ilang opisyal ng DepEd na naglilibot na upang personal na makita ang kahandaan ng mga napiling paaralan na sasabak sa limitadong face-to-face classes.

Dagdag ng kalihim, ang resulta ng pilot test ay magiging batayan naman kung papalawigin pa ito o hindi, at kung lalong pararamihin ang mga eskwelahan na maaaring makapagdaos ng face-to-face classes.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.