DOH chief, ipinagmalaki ang tuloy-tuloy ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa

Share this information:

IPINAGMALAKI ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang tuloy tuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa Kapihan sa Maynila, ibinida pa ni Duque na pang-lima na lamang ang Pilipinas sa mga bansa sa Timog Silangang Asya pagdating sa dami ng kaso ng COVID-19.

Sinabi nitong mas mataas na ang mga kaso ng COVID-19 sa mga bansa tulad ng Thailand, Vietnam at Malaysia.

Ayon kay Duque, ito ang rason din kung bakit nananatili silang maingat pagdating sa pagluluwag kasama na ang pag-aalis ng patakaran sa pagsusuot ngface shields lalo na sa mga siksikan at kulob na lugar.

Malaki rin umano ang nagawang tulong ng pagbabakuna lalo na sa Metro Manila na sentro ng pagkalat ng COVID-19.

Gayunman, idinagdag nito na dapat pa rin sumunod ang publiko sa minimum public health standards upang hindi matulad sa United Kingdom at Israel na mas marami man ang nabakunahan pero tumaas muli ang mga kaso ng COVID-19 dahil sa ginawang pagluluwag.

Ang mga paghihigpit na ito ayon kay Duque ang ipinagpapasalamat nila kaya’t hindi umabot sa pinangambahang 40 hanggang 50 libo katao kada araw ang tinatamaan ng sakit sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Nationwide na pagbibigay ng driver's license na may 10-taong bisa, simula na sa Disyembre 2021

Wed Nov 3 , 2021
SIMULA sa darating na Disyembre 2021, makakapag-isyu na ng mga driver’s license na may 10-year validity ang lahat ng licensing offices ng Land Transportation Office o LTO sa buong bansa. Mismong si Pang. Rodrigo Duterte ang nag-anunsyo nito sa kanyang “Talk to the People” kagabi, na ngayong umaga ipinalabas. Sinabi […]
%d bloggers like this: