Isinailalim sa heightened security alert ang seguridad sa New Bilibid Prison o NBP ngayong araw.
Ito ay makaraang mangyari ang madugong riot sa loob ng nasabing national penitentiary kung saan 9 ang nasawi sa pagitan ng mortal na magka-away na grupong commando at sputnik gang sa maximum security compound.
Batay sa isang memorandum, pinapapasok ang lahat ng tauhan ng Bureau of Correction (Bucor) na nakatalaga sa security and escort command na naka off duty.
Kanselado na rin ang lahat ng off duty na nagbabantay ng seguridad sa pambansang piitan hanggat walang bagong abiso.