2,000 customers nawalan ng suplay ng tubig: Water pipeline ng Maynilad sa QC, nasira

Aabot umano sa mahigit 2,000 customers ng Barangay Holy Spirit sa lungsod ng Quezon ang nawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ng Linggo, Oktubre 11, 2020.

Itoy matapos bumigay ang water pipe sa bahagi ng San Simon.

Ayon kay Ronald Padua, ang head ng water supply operation ng Maynilad, posibleng nagkaroon ng pressure surge sa pipe line.

Ayon sa mga residente, madaling araw pa lamang ng bumulwak ang tubig pero pasado alas 9 ng umaga ng nakarating ang mga tauhan ng Maynilad.

Kaya ang mga residente ay nagkanya kanyang salok ng tubig.

Mayroong mga naligo, naglaba at mayroon pang doon na naglinis ng motorsiklo.

May mga bata ring nagtampisaw dahil sa mala sapang agos ng tubig.

Sabi ng Maynilad, mamayang gabi inaasahang matatapos ang

pagkumpuni sa water pipe at babalik ang suplay ng tubig sa lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.