Multa sa mga ‘pasaway’ na motoristang lalabag sa exclusive bicycle and motorcycle lanes sa Paranaque City

Pagmumultahin na ng Parañaque City government ang lahat ng lalabag sa ordinansa na nagbabawal sa mga sasakyan na gumamit ng exclusive bicycle and motorcycle lanes sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue (Sucat Road) sa lungsod.

Sa direktiba ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, inatasan nito ang traffic and parking management office na ipatupad nito ang City Ordinance 2020-23, na nagtatalaga sa outer lane ng A. 1 Avenue hanggang sa Ninoy Aquino Avenue bilang bike at motorcycle lanes, at ang alituntunin sa parusang katapat nito.

Sa ilalim ng ordinansa, ang inner lane ng 12-kilometer avenue ay para sa private vehicles. Ang center lane naman ay para sa delivery trucks, vans at iba pang mahahabang behikulo.

Ang outer lane naman ay para sa bisikleta at motorsiklo na may blue road markings at signages, na isinunod sa international standards.

Ayon sa alkalde, lahat ng mga behikulo na ligal na paparada sa bike at motorcycle lane ay pagmumultahin ng P1,000.

Gayundin ang motorcycle riders naman na tatahak sa labas ng exclusive lane ay pagmumultahin din ng P1,000 habang ang bike riders naman ay P500 sa bawat paglabag.

Padadalhan ng notices at tickets sa pamamagitan ng ‘no contact apprehension policy ‘ang mga may paglabag ng lungsod na ipinatutupad na simula pa noong 2018.

Hinikayat din ni Olivarez ang publiko na ireport ang mga nakikitang paglabag sa bike lanes partikular ang obstruction.

Binigyang diin ng alkalde, ang pagbibisikleta ay hindi lamang nagtataguyod ng kalusugan at paglilibang ngunit magbibigay din ng isang alternatibong solusyon upang mapagaan ang posibleng kakulangan ng magagamit na mass transportasyon sa panahong ito ng pandemya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.