Napikon sa pambu-bully: sekyu, ‘tiningga’ ng kapwa sekyu, dedbol

Share this information:

DAHIL sa kinimkim na galit sa madalas na pambu-bully ay binaril at napatay ang isang 41-anyos na security guard ng kapwa security guard sa loob ng isang  bodega ng bigasan sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktimang si Steven Morales, guwardiya sa RAN PMC Compound at residente ng No. 27 St. Anthony Phase-2 A, Antipolo City.

Arestado naman ang suspek na si Lemuel John Estrida y Dorado, 29 anyos, naninirahan sa Barangay Camangyanan, Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat ni Police Staff Sgt. John Teody Siguen ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 7:10 ng gabi ng Sabado, Oktubre 17, ng maganap ang insidente sa loob ng nasabing compound sa No. 1613 A. Rivera St., corner Mayhalgue St., Tondo.

Habang naka duty umano ang suspek sa gate nang lapitan ng biktima at ilang ulit siyang sinabihan ng “umayos ka malapit ka na sa akin!” hanggang sa bumalik na sa kaniyang assigned post ang biktima.

Napikon at nagdilim na ang isip ng suspek at tinungo nito ang pwesto ng biktima at doon ay walang sabi sabing pinaputukan ito ng sunod sunod na agad ikinasawi dahil sa tama ng bala sa leeg at ulo.    

Nagtungo lamang sa canteen ng nasabing warehouse ang suspek matapos ang pamamaril.

Hindi naman na kumibo si Estrida ng arestuhin na ito ng mga awtoridad kasabay ng pagkumpiska ng kanyang baril na isang .9mm pistol na ginamit sa krimen.

Napuno na umano si Estrida sa ginagawang pambu-bully lagi sa kanya ni Morales kaya nagawa na nitong barilin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.