7-anyos na lalaki, patay sa suntok ng sariling ama

Share this information:

ISANG 7-taong gulang na lalaki ang napatay ng kanyang sariling ama ng suntukin sa ulo at katawan dahil sa ayaw kumain sa Taguig City.

Binawian ng buhay bago pa makarating sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Johncel Pedriguez, ng Road 39, Block 5, Lot 12 Barangay North Daang hari, Taguig City.

Arestado naman nina Pat. Jensen Jones Ramos at Cpl. Jordan Dimayag ng Tanyag Daang- Hari Sub Station-8 ng Taguig Police ang suspek na si Arnold Perdiguez Y Libanos, 28, na nahaharap sa kasong parricide.

Si Libanos ay nagawang maaresto ng pulisya dahil na rin sa live in partner nito na nagsumbong sa mga awtoridad kaugnay ng pangyayari.

Lumalabas sa imbestigasyon, pinapakain umano ng suspek ang kanyang anak dakong alas 9:00 ng gabi ng Sabado subalit ayaw kumain na naging dahilan para magalit ang ama at biglang pinagsusuntok nito sa ulo at katawan ang bata.

Alas 4:34 ng madaling araw ng Linggo, Oktubre 18, ng mapansin ng mga magulang ang kakaibang hitsura ng kanilang anak kaya isinugod na ito sa ospital pero hindi na umabot ng buhay.

Sa presinto na ikinatwiran ng suspek na ama na dinidisiplina lamang nya ang kanyang anak.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.