Nagsimba muna: Pulis patay, nagbaril sa ulo sa labas ng simbahan sa Ilocos Sur

Share this information:

DEAD on the spot ang isang pulis matapos itong magbaril sa sarili sa labas ng simbahan sa bayan ng Sugpon, lalawigan ng Ilocos Sur.

Base sa nakalap na impormasyon kay Sugpon Municipal Police Station Lt. Gerry Arzabal, nakilala ang pulis na nag-suicide na si Police Staff Sergeant Romeo Madrigal.

Lumalabas sa imbestigasyon, nagpaalam umano si Madrigal kay Arzabal na magsisimba sa St. Anthony Parish Church hanggang sa malaman nilang nagbaril na ito sa ulo.

Nabatid na nakatakda sanang umuwi si Madrigal para sa kanyang medical examination at nabanggit umano nito sa kanyang mga kasamahan na mayroong sumusunod sa kanya sa tuwing uuwi at babalik ito sa police station.

Sinubukan pang isalba ang buhay ng mga tumulong para isugod sa ospital si Madrigal subalit wala na itong buhay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mag-lola, patay sa sunog

Thu Feb 18 , 2021
PATAY ang isang mag-lola sa nangyaring sunog na sumiklab sa residential area sa Block 39 Welfare-Ville Compound, Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City. Nakilala ang mga nasawi na sina Pacita Lamak, 55 anyos at apo nito na si Althea Salumbides, 13 taong gulang. Sinasabing nasa ikatlong palapag ng bahay ang […]

Follow Us

%d bloggers like this: