Mag-lola, patay sa sunog

Share this information:

PATAY ang isang mag-lola sa nangyaring sunog na sumiklab sa residential area sa Block 39 Welfare-Ville Compound, Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Pacita Lamak, 55 anyos at apo nito na si Althea Salumbides, 13 taong gulang.

Sinasabing nasa ikatlong palapag ng bahay ang mag-lola ng sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.

Batay sa report ng Mandaluyong City-BFP, nagsimula ang sunog pasado alas dose ng madaling araw ng Huwebes, Pebrero 18, 2021 na umabot lamang sa unang alarma at ala 1:30 ng madaling araw ng idineklarang fire out ang sunog.

Pinaniniwalaang na-trapped ang mag lola sa kanilang kuwarto kaya hindi na nakalabas pa ang mga ito dahil sa sobrang kapal at maitim na usok.

Nakaligtas naman ang 6 na iba pang kaanak ng mga biktima habang inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

P19-Milyon ‘high-grade’ marijuana, nasabat sa Tarlac

Thu Feb 18 , 2021
BUMAGSAK sa kamay ng Tarlac Provincial Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang anim na drug suspek sa operasyon na nagresulta sa pagkakasabat sa daang kilo ng high grade marijuana sa bayan ng Concepcion, Tarlac kahapon ng umaga. Nakilala ang nadakip na mga suspek na sina Marlon Miranda, Joey […]

Follow Us

%d bloggers like this: