Brgy. chairman sa Bataan, suspindido ng limang buwan dahil sa pakikiapid

Ngayong Lunes ay opisyal nang nai-serve ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Hermosa, Bataan ang Suspension Order laban kay Punong Barangay Rolando “Rolly” Martinez ng Barangay Sumalo sa Hermosa, Bataan. 

Personal na sinaksihan ni DILG Hermosa Chief Vernita La Torre ang panunumpa sa tungkulin ni Brgy. Sumalo 1st Kagawad Magdalena Sanchez, bilang acting Punong Barangay sa harap ni Hermosa Mayor Jopet Inton kaninang umaga sa Mayor’s Office.

Sinuspinde ng limang buwan si Martinez dahil sa “Commission of Crime Involving Moral Turpitude Committed Through Having Extramarital Relations With a Married Woman.”

Noong isang taon ay napanood ng milyun-milyong multimedia viewers ng programang “Raffy Tulfo in Action” ang pag-amin mismo ng naturang opisyal na nabuntis niya ang asawa ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na taga Cavite.

Nag ugat ang suspensyon dahil sa reklamo (verified complaint) ng grupo ng mga kababaihan ng Brgy. Sumalo hinggil sa anila ay “imoralidad” ng kanilang kapitan.

Walong pang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Hermosa ang sumang-ayon sa suspensyon ni Martinez.

Nahaharap din si Martinez sa iba pang kaso dahil sa patuloy na pagbalewala nito sa utos ng Municipal Citcuit Trial Court (MCTC) Hermosa-Dinalupihan na nag-ugat sa kasong unlawful detainer na isinampa sa kanya ng may-ari ng lupa na kinatitirikan ng kanyang bahay sa Barangay Sumalo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.