Nagkainitan dahil sa pulutan, nauwi sa saksakan

Share this information:

ISABELA–Pinatay ng isang 17 anyos na lalaki ang kanyang kainuman dahil lang sa pulutan.

Natukoy ng Cauayan City Police Station ang suspek na si Paulo (hindi niya tunay na pangalan), isang out school youth at residente ng Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Ang biktima naman ay nakilalang si Christian Tabio, 23 anyos, at kapitbahay ng suspek.

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, nag-iinuman ang dalawang magkaibigan nang sinita ni Christian si Paulo dahil umano sa malakas itong mamulutan, na nauwi naman sa pagtatalo.

Dahil dito, biglang umuwi ng bahay ang suspek at kumuha ng kutsilyo.

Pagbalik ng suspek sa lugar kung saan sila ay nag-iinuman ay bigla nitong inundayan ng saksak ng kutsilyo sa dibdib ang biktima na tumagos sa kanyang puso at nagresulta ng agad na pagkamatay.

Nakakulong na ang suspek at sinampahan na ng kaso sa Cauayan City Police Station.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga bangkay, natagpuan sa bangin sa Batangas

Mon Feb 22 , 2021
BATANGAS–Dalawang bangkay na di-umano ay itinapon lamang sa lugar ang natagpuan sa isang bangin kahapon ng tanghali sa Brgy. Natipuan, Nasugbu, Batangas. Isang guwardiya ng Green Lift Security Agency na si Jude Malay ang tumawag sa Nasugbu Municipal Police Station bandang alas 2:15 ng hapon kahapon upang ipagbigay-alam na may […]

Follow Us

%d bloggers like this: