Mga bangkay, natagpuan sa bangin sa Batangas

Share this information:

BATANGAS–Dalawang bangkay na di-umano ay itinapon lamang sa lugar ang natagpuan sa isang bangin kahapon ng tanghali sa Brgy. Natipuan, Nasugbu, Batangas.

Isang guwardiya ng Green Lift Security Agency na si Jude Malay ang tumawag sa Nasugbu Municipal Police Station bandang alas 2:15 ng hapon kahapon upang ipagbigay-alam na may natagpuang dalawang bangkay sa gilid ng bangin sa nasabing lugar.

Nakapiring ang mga mata ng babae at may tama ng baril, may tattoo sa likod  na “Gucci,” nakasuot ng puting t-shirt, maong na pantalon at itim na rubber shoes.

Ang lalaking bangkay naman ay naka-itim na t-shirt, naka 6-pocket na kulay brown  na shorts at may tattoo sa likod na “Boyong Reyes, Boy Negro, Jhie at mukha ni Jesus.”

Inaalam na sa CCTV footage ng barangay kung may posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek sa nasabing krimen.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mayor Isko, handa nang magpabakuna gamit ang Sinovac

Mon Feb 22 , 2021
Handa na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na magpabakuna ng Sinovac COVID-19 vaccine. Ito ang inihayag ng alkalde  sa Manila City Council (MCC) sa pangunguna ni  Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan matapos aprubahan ng  Food and Drug Administration (FDA) ang  Emergency Use Authorization (EUA) ang COVID-19 vaccine mula […]

Follow Us

%d bloggers like this: