Murder suspect, arestado sa Navotas

Share this information:

Matapos ang 12 taong pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang isang murder suspect sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Navotas Police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkaka-aresto sa suspek na si Arturo Igana Jr., 28, mangingisda, ng Blk 1 Lot 1 Ignacio St., Bacog, Brgy. Daanghari, na tinauriang No. 6 Most Wanted Person sa lungsod ay resulta ng ilang linggong intensive surveillance at intelligence operations na isinagawa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/SMSgt. Anthony Santillan.

Si Igana ay inakusahan sa pagpatay kay John Frederick Bacongan habang naglalakad ang biktima pauwi sa Brgy. Daanghari noong July 23, 2008.

Ani Col. Balasabas, may personal umanong galit ang suspek kontra sa biktima kung kaya’t pinagsasaksak nito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Bacongan hanggang sa mamatay.

Matapos ang pagpatay, nagtago si Igana hanggang sa makatanggap si Sgt. Santillan ng tip mula sa kanilang impormante na ang akusado ay madalas bumibisita sa kanyang pamilya sa Brgy. Daanghari.

Dakong alas tres ng hapon, inaresto ng mga pulis si Igana sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng Branch 169 sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bagong high school sa Valenzuela, binuksan

Sat Jan 23 , 2021
Sa kabila ng pandemya, nananatiling nakatuon sa programang pang-edukasyon si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa pagbuo ng bago at mas mahusay na imprastraktura ng paaralan na inaasahang magbibigay ng saya sa mga mag-aaral sa pagbabalik nila sa kanilang paaralan. Pinangunahan ni Mayor Rex ang inagurasyon at blessing ng bagong […]

Follow Us

%d bloggers like this: