Bagong high school sa Valenzuela, binuksan

Share this information:

Sa kabila ng pandemya, nananatiling nakatuon sa programang pang-edukasyon si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa pagbuo ng bago at mas mahusay na imprastraktura ng paaralan na inaasahang magbibigay ng saya sa mga mag-aaral sa pagbabalik nila sa kanilang paaralan.

Pinangunahan ni Mayor Rex ang inagurasyon at blessing ng bagong campus ng Lawang Bato National High School na apat na palapag at may 44 na silid-aralan sa Barangay Lawang Bato, kasama si Councilor Rovin Feliciano, Congressman Wes Gatchalian, at Department of Education (DepEd) Valenzuela School Superintendent Dr. Meliton Zurbano.

“These projects are developmental in nature. We believe that despite the ongoing pandemic we have to continue to invest in the city’s education program with the end sight of kids coming back to school in the near future,” ani Mayor Rex.

Kinikilala din ni Mayor Rex ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang malusog na kapaligiran sa pag-aaral para sa mga mag-aaral ng Valenzuela, paglipat mula sa pinagsamang mga paaralan patungo sa pagkakaroon ng mga paaralan na nakatuon lamang para sa mga mag-aaral sa elementarya at isang hiwalay na pampublikong high school.

Ang bagong campus ng Lawang Bato National High School ay maglilingkod lamang sa mga mag-aaral sa high school at ang dating gusali ay para lamang sa mga mag-aaral sa elementarya.

“Dati, uso ang integrated school pero hindi na healthy [iyon] ngayon dahil ang layo ng mga edad nila. Lumalabas ang problema ng bullying [at] natuturuan ang mga bata ng mga bisyo ng mas nakatatandang mga estudyante. Sa Valenzuela, ito na lamang sa Lawang Bato ang campus [na] integrated. Hindi siya ideal na learning environment,” dagdag ng alkalde.

Magbubukas din si Deputy Speaker at District 1 Congressman Gatchalian ng isang multi-purpose building para sa bagong public high school at nangangako na maglaan ng Php 2 milyon para sa mga karagdagang pasilidad.

(Photo credit: pia.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

First Philippine Republic's 122nd anniversary remembered

Sat Jan 23 , 2021
CITY OF MALOLOS, Bulacan–A government official representing the education sector said that Filipinos have the ability to create their own form of government even without foreign colonizers. This was stressed by the Chairperson of the Commission on Higher Education (CHED) Dr. J. Prospero de Vera III during simple celebrations that […]

Follow Us

%d bloggers like this: