Breaking News

Share this information:

Arestado ang pitong katao, kabilang ang isang byuda, matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police na naglalaro ng ilegal na sugal at makuhanan ng shabu ang apat sa kanila sa Navotas City.

Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na si Marilyn Blance, 55, byuda, Norlito Faustino, 47, Angelito Lee, 43, at kapatid nito na si Manuel Lee, 51, pawang mga mangingisda.

Habang nahaharap naman sa kasong paglabag sa P.D. 1602 as amended by R.A. 9287 (Illegal Gambling) ang tatlong mangingisda din na si Elmer Laurente, 56, Artemio Linehan, 45, at Celso Cahilig, 48.

Ayon kay PSMsgt Nemesio “Bong” Garo, dakong 1 ng hapon nang ipadala ni Maj. Sobrido ang isang team ng kanyang mga tauhan sa pamumuno ni PLt. Erwin Garcia upang alamin ang natanggap nilang ulat hinggil sa umano’y nagaganap na pot session sa isang bangkang pangisda na FBCa JUNJUN na nakadaong sa break water ng Navotas.

Pagdating sa lugar, nakita ng mga pulis ang mga suspek na nagsisiksikan sa naturang bangka kung saan naaktuhan ang tatlo sa kanila na naglalaro ng sugal na “Pusoy” habang nakuhanan naman ang apat ng hinihinalang shabu dahilan upang arestuhin ang mga ito.

Narekober sa mga suspek ang isang deck ng baraha, P500 bet money at pitong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P4,900 ang halaga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: